EBOLUSYON NG KURIKULUM SA PILIPINAS

Panahon bago dumating ang mga kastila

Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno ay mayaman na sa mga alamat, kuwentong bayan,

epiko, awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong.

Mayroon na rin silang tula at dula noong panahong ‘yon.

Panahon ng mga kastila

Sinira ng mga Kastila ang ilang mga nagawa ng mga Pilipino noon na may kinalaman sa kanilang “orihinal” na mitolohiya, at pinalitan ang mga ito ng mga rebulto ni Kristo at ng mga santo.

Ang iba naman ay nakalagay lamang sa mga gamit na mabilis masira katulad ng mga kahoy kaya hindi ito tumagal.

Kahit na ganito ang nangyari sa kasaysayan, marami pa ring paniniwala ang nanatili sa buhay at kultura ng mga Pilipino.

Panahon ng mga amerikano

Sa panahon ng Amerikano, na nagsimula noong taong 1899, ang mga Pilipino ay masasabing pinaglaruan ng mga colonyolista.

Ito ay dahil sa panahong ito nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, at sa tingin ng mga Pilipino, ang mga dayuhang mananakop ay mga kaigbigan nila.

Masasabi rin naman na masyadong mapaniwalain at mangmang ang mga Pilipino dahil napaniwala sila na mas magaling ang lahing Amerikano. Masasabi natin na may mga ilan na lumaban, ngunit mas masasabi natin na dumedepende ang mga Pilipino sa mga dayuhan noong panahon na ito.

Panahon ng mga hapon

Ang panahon ng Hapon noon ay ang tinaguriang “Gintong Panahon” ng Panitikang Filipino dahil naging mas malaya ang mga Pilipino (kumpara noong panahon ng Amerikano) sa pagsanib ng kultura, kaugalian, at pagsulat.

Sa panahon din nito, maraming babae ay naging manunulat. Isa sa mga ito ay si Liwayway A. Arceo na nagsulat ng mga maikling kwento.

Panahon ng Martial law at 1986 Rebolosyon

Marami ay naging mga aktibista at ginawa ang lahat para makuha ang atensyon ng gobyerno.

Nung panahon na iyon, maraming tao ay dinukot at pinahirapan dahil sa kanilang lakas loob na lumaban. Subalit dito, nagpatuloy pa rin ang mga Pilipino.

Gusto nilang makamit ang kanilang layunin na magkaroon ng tunay na kalayaan.

Ibang klase ang kagitingan ng mga Pinoy ng dekadang ito.

Kasalukuyang panahon

Ngayon sa kasalukuyang panahon, nasa ilalim ng impluwensiya ng social media.

Ang mga kabataan ay maagang nabuntis. At humaharap sa Krisis na kumakalat sa ating bansa.

Ang mga kabataan ay naadik na sa mga online game at nakakalimutan na nila ang halaga ng pag-aaral.

Ang bagong kurikulum